Dehado sa laban, ngunit kumpiyansa si Japanese star Hideki Sekine na makagagawa siya ng paraan para maagaw kay Filipino-Americam star Brandon Vera ang heavyweight championship sa kanilang pagtutuos sa ONE: Age of Domination sa Disyembre 2 sa MOA Arena.

Tangan ni Sekine ang impresibong 7-0 karta bago magtungo sa Manila para hamunin ang crowd-favorite na kampeon.

“I have nothing bad to say about Brandon Vera. He has been in the industry for a long time. He deserves the respect and he is somewhat of a legend. I believe he’s also very good at what he does.

“But I am also good at what I do. We have this saying in Japan, ‘nanakorobi yaoki.’ it means, ‘I won’t tell you what I’m going to do in this fight, it will be a surprise,” pahayag ni Sekine.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tanyag bilang jiu-jitsu specialist, matikas ang naging debut ni Sekine sa ONE matapos ang kampanya sa Real Fight Championship 1 kontra sa kababayang si Ryuta Kono kung saan naitala niya ang first round technical knockout. Ang unang namin na panalo niya ay nagmula sa Deep, isang Japan-based MMA promotion.

Ayon kay Sekine, kilala rin bilang ‘Shrek,’ napapanahon ang pagpalaot niya sa ONE dahil sa patuloy nitong pamamayagpag at kasalukuyang tumatatag sa bansang Japan.

“ONE Championship has plans to enter the Japanese market soon. That puts me in the perfect position to lead the charge for my country. I think Japan can become the center of MMA and martial arts again. There are a lot of great competitors in Japan. I am honored to be among them,” aniya.