CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-alok ng pabuyang R1 milyon para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa mga suspek sa pagpatay sa dating Ozamiz City vice mayor at dating Misamis Occidental provincial board member na si Roland Romero.

Malapitang pinagbabaril si Romero ng apat na lalaking magkakaangkas sa dalawang motorsiklo nitong Huwebes ng tanghali, sa labas ng isang sanglaan sa Ozamiz City.

Napaulat na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog, Sr. ang naglaan ng pabuya sa agarang ikadarakip ng mga pumaslang sa dating bise alkalde.

Hindi pa tukoy ng pulisya ang motibo sa pagpatay kay Romero. (Camcer Ordoñez Imam)

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match