Kinuha ng Racal ang serbisyo ni dating PBA star Jerry Codinera bilang head coach ng koponan sa pagbubukas ng PBA D-League.
Pinangasiwaan ni Codinera ang Arellano Chiefs sa NCAA Season 92 finals.
Pinalitan ni Codinera si Caloy Garcia na napili naman na mangasiwa sa kampanya ng Rain or Shine Elastopainters sa PBA Season 44 na magsisimula bukas.
Sa pamumuno ni Codinera, isa sa itinuturing PBA legend, naitala ng Chiefs ang impresibong 14-4 karta sa NCAA elimination. Ngunit, banderang-kapos sa championships matapos magapi ng San Beda Red Lions sa best-of-three title series.
Sinabi ni Codinera na wala siyang isasamang staff mula sa Arellano squad dahil sa pangangailangan sa mas makaranasang coaching member.
“This is not a school-based league, ibang level na ito,” aniya.
Sa kasalukuyan, sinabi ni Codinera na nakatuon ang kanyang pansin sa scouting para sa bubuo sa koponan.