CARRANGLAN, Nueva Ecija - Kahit may mga tama ng bala sa katawan ay nagawa pang makatakbo ng isang barangay kagawad makaraan siyang pagbabarilin ng hindi kilalang nakamotorsiklo sa Sitio Guisang, Barangay Piut sa bayang ito, nitong Miyerkules ng gabi.

Sa ulat ng Carranglan Police, kinilala ang biktimang si Cayetano Ferrer y Lozano, may asawa, kagawad ng Bgy. Piut, na tinamaan ng bala ng .45 caliber pistol sa kanang dibdib at kanang braso.

Sa inisyal na pagsisiyasat, dakong 8:00 ng gabi at nakaupo ang kagawad sa harap ng kanyang bahay nang lapitan at pagbabarilin siya ng mga suspek. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Nasakoteng drug suspect patay matapos bumangga sinasakyang police mobile