Nakatakdang dumayo sa bansa ang mga de-kalibreng Grandmasters sa mundo sa susunod na buwan sa paghohost ng Pilipinas sa dalawang malaking internasyonal na torneo sa chess sa SBMA sa Olongapo.

Sinabi ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Executive Director at GM Jayson Gonzales na matindi ang komposisyon ngayon ng mga dayuhang kalahok dahil nagtataglay ang mga ito ng ELO Rating na nagsisimula sa 2600 hanggang 2700 na inaasahang magpapahirap sa mga Pilipinong woodpushers.

“More than 10 foreign GMs led by Chinese Wang Hao with Elo Rating of 2701 and those from Belarus, Georgia, India, Mongolia, Singapore and Germany had already confirmed their participation,” sabi ni Gonzales patungkol sa magkasunod na isasagawang torneo.

Unang isasagawa simula Disyembre 6 hanggang 11 ang Philippine International Chess Championship bago sundan ng Disyembre 13 hanggang 18 na Philippine Sports Commission - Puregold Chess Challenge.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inaasahang pangungunahan ng miyembro ng national team na sina GM Eugene Torre, John Paul Gomez, Darwin Laylo, Joey Antonio at unang Pilipinang woman Gm na si Janelle Mae Frayna at miyembro ng NCFP na hangad makakuha ng GM norms na sina Paulo Bersamina ,Emmanuel Garcia at Jerad Docena ang kampanya ng bansa.

Umaabot sa kabuuang US$ 68,000 ang premyong nakataya sa torneo kung saan iuuwi ng tatanghaling kampeon ang pinakamalaking premyo na US$7,000 sa Open Men’s champion at $3, 500 sa women’s champion. (Angie Oredo)