STA. CRUZ, Ilocos Sur – Tinangay ng mga hinihinalang miyembro ng Acetylene Gang ang nasa P1.5 milyon halaga ng iba’t ibang alahas at cash mula sa isang sanglaan sa Barangay Poblacion, Sta. Cruz, Ilocos Sur.

Kinumpirma kahapon ni Senior Insp. Mark Odilon Lagman, hepe ng Sta. Cruz Police, na nagawang maghukay ng mga suspek nitong Lunes ng umaga upang mapasok ang HL Henry Lhuillier Pawnshop, batay na rin sa butas na nakita sa sahig ng establisimyento.

Nabuksan ng mga suspek ang vault at tinangay ang iba’t ibang alahas na nagkakahalaga ng P1,383,800 at P150,850.67 cash. (Freddie G. Lazaro)

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?