BUTUAN CITY – Dalawang tao ang nasawi habang isa pa ang nasugatan matapos na magtalo tungkol sa ninakaw na tent sa Purok 6, Barangay Cansayong sa Malimono, Surigao del Norte.
Sa report na tinanggap ng Police Regional Office (PRO)-13 mula sa Surigao del Norte Police Provincial Office (PPO), kinilala ang mga napatay na sina Wilfredo C. Barbosa, 66; at Rudy C. Dela Cruz, 45, kapwa taga-Bgy. Cansayong.
Sugatan naman at ginagamot sa ospital si Ronnie C. Berbosa, 48, ng Bgy. Cansayong, gayundin ang suspek na si Ronnie S. Gumanid, 41 anyos.
Batay sa police report, dakong 9:30 ng umaga nitong Lunes nang kumprontahin ng mga biktima ang suspek tungkol sa ninakaw na tent na nauwi sa sagutan at sa tagaan at barilan. (Mike U. Crismundo)