BATANGAS CITY - Patay ang isang vendor matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Batangas City.

Kabilang umano sa drugs watchlist si Angelo Dimaano, 38, taga-Barangay Kumintang, na nagtamo ng mga bala ng .45 caliber pistol sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon sa report ng grupo ni SPO2 Tom Falejo, dakong 6:30 ng gabi nitong Lunes at sakay si Dimaano sa kanyang motorsiklo nang pagbabarilin siya sa Bgy. Kumintang. (Lyka Manalo)

Probinsya

Toy gun lang? Lady driver na nagpakita ng baril, nanakot lang daw ng namamalimos