Sugatan ang isang ginang na siyam na buwang buntis matapos siyang tamaan ng ligaw na bala nang mauwi sa barilan ang pag-aaway ng dalawang lalaking nakasalubong niya habang naglalakad pauwi sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Habang isinusulat ang balitang ito ay nilalapatan ng lunas sa ospital si Alma Evora, 35, ng 2937-H Pilar Street, Tondo, Maynila dahil sa tinamong tama ng bala sa hita na unang dumaplis sa kanyang kanang kamay.

Samantala, tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Eric Naval, alyas “Eric Bunganga”, ng Guido Uno Street, corner Gagalangin St., Tondo, Maynila.

Sa ulat ni Police Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, naglalakad pauwi ang biktima sa riles ng Philippine National Railways (PNR), malapit sa Hermosa St., nang makasalubong niya si Naval at isa pang lalaki habang nag-aaway.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tinangka umanong umiwas ng biktima at sa kabilang bahagi ng kalsada dumaan ngunit bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek at binaril ang kaalitan ngunit ang biktima ang tinamaan. (Mary Ann Santiago)