Ginapi ng San Beda-A Red Lions ang University of the Philippines, 63-61, nitong Linggo para makopo ang unang kampeonato sa 4th Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa Far Eastern University gym.

Nanguna si Cameroonian cager Eugene Toba na may 12 puntos, tampok ang three-pointer, kabilang winning basket sa huling 14.4 segundo.

Nanguna sa Chiang Kai Shek Blue Dragons si Shamasheh Banez na may 12 puntos.

Hataw naman sa Red Lions sina Jessie Cabanag at Van Abatayo na kumubra ng tig-13 puntos.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“Credit ito sa mga bata. Down sila 8, 9, 10 points, hindi sila bumigay. Puso nila ay nanduon. Hindi sila umayaw,” sambit ni Red Lions-A coach Ford Arao.

Nabitiwan ng Fighting Maroons ang 57-47 bentahe may 4:46 sa laro.

Magtutuos naman sa Maroons at Red Lions matapos magwagi sa San Beda.

Nanguna si Don Lim sa naiskor na 16 puntos sa panalo kntra beating Hope Christian School, 73-59, sa junior semis.

Samantala, sinabi ni commissioner Robert de la Rosa na magbubukas ang 13th Fr. Martin Cup Collegiate sa Nov. 26.