Pinadapa ng De La Salle Zobel ang University of the East, 25-18, 25-16, 25-15, para sa pagkakataong makopo ang huling finals slot sa girls division ng UAAP Season 79 high school volleyball tournament sa Adamson University.

Pinasadsad ng Junior Lady Spikers ang fourth-ranked Junior Warriors upang makapasok sa ikalawang stepladder semifinals match kontra second seed University of Santo Tomas.

Maliban sa hawak nilang bentaheng twice-to-beat dahil sa pagtatapos na pangalawa sa eliminations,taglay din ng Junior Tigresses ang kanilang homecourt advantage sa pagdaraos ng kanilang laban ng Junior Lady Spikers sa Huwebes ganap na ala-1:00 ng hapon sa UST Gym sa España.

Ngunit kung magkakaropn ng Game 2, idaraos ang laban sa Nobyembre 21.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Ang mananalo ay makakatunggali ng defending two-time champion National University na direktang jmusas sa best-of-three championship series makaraamg walisin ang 14- game elimination round.

Magsisimula naman bukas ang boys division semifinals sa pagtatapat ng titleholder Bullpups at No. 4 seed Far Eastern University-Diliman ganap na alas-3:00 ng hapon sa NU Gym.

Gaganapin naman ang isa pang boys semifinals match sa pagitan ng No. 2 seed UST at 3rd-ranked University of the East sa Huwebes ganap na alas-3 ng hapon pagkatapos ng laro sa girls division. (Marivic Awitan)