Hinamon ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II si Senator Leila de Lima na maglabas ng katibayan na magpapakitang inimbento lang ang mga ebidensyang nagsasangkot sa Senadora sa illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP).
“She was always acting as if she is someone special and above the law. Her standard defense is that DoJ is manufacturing evidence against her in all fora where she is being accused as the Drug Protector,” ani Aguirre. “Yet, she has not presented any iota of evidence to prove her accusation.”
Ang pahayag ni Aguirre ay reaksyon sa pahayag ni De Lima na imbento lang ang mga ebidensya laban sa huli.
Sinabi ni Aguirre na ginagawa lang ng Department of Justice (DoJ) ang trabaho nitong mag-imbestiga sa mga kasong kriminal na isinampa laban kay De Lima.
Pinag-isa na ng DoJ ang mga kasong isinampa laban kay De Lima ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC); nina NBP inmate at self-confessed drug trader Jaybee Sebastian, dating NBI deputy directors Reynaldo Esmeralda at Ruel Lasala. (Jeffrey G. Damicog)