PURA, Tarlac - Dalawang hinihinalang illegal recruiter ang nalambat ng mga pulis sa Barangay Singat sa bayang ito, Linggo ng hapon.

Sa ulat ni PO2 Milan Ponce, arestado sina Aida Angeles, alyas Haydie Gonzales, 62, may asawa, ng San Carlos, Pangasinan; at Wilfred Macaraeg, Jr., 22, binata, ng Bgy. Coral, Ramos, Tarlac.

Nagkunwaring aplikante sina Juliet Novillero, 24, may asawa, ng Saguday, Quirino; at PO1 Sherme Daquioag, 27, dalaga, ng Diadi, Nueva Vizcaya para sa entrapment operation hanggang sa nadakip ang dalawa. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog