pocari-copy

Mga Laro Ngayon

(Philsports Arena)

4 n.h. -- BaliPure vs UST (third)

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

6 n.h. – Customs vs Pocari (title)

Makabawi pa kaya ang Bureau of Customs o tuluyan na silang mawalis ng Pocari Sweat?

Ito ang senaryo na bibigyan ng kasagutan ang paglarga ng Game 2 ng best-of-three championship series sa 13th Shakey’s V-League Season 13 Reinforced Conference sa Philsports Arena sa Pasig City.

Nanaig ang karanasan ng Lady Warriors nang walisin ang Transformers sa straight set, 25-22, 25-18, 25-18, sa Game 1 nitong Sabado.

Walang naitugon ang Transformers sa mga pangunahing manlalaro ng kanilang katunggali, sa pangunguna nina import Breanna Mackie, Myla Pablo, Michelle Gumabao at Elaine Kasilag.

Naunsiyami rin ang dalawang pangunahing hitters ng Customs na sina Alyssa Valdez at Thai import Kajana Kuthaisong sa pamamagitan ng kanilang solidong net defense.

“It was a tough loss for the team, one of the biggest losses sabi nga ni coach Sherwin (Meneses),” pahayag ni Valdez.

“Definitely the experience brings them the confidence. It’s in their team, they’re guided by a really good coach [Rommel Abella] and yung momentum nasa kanila so it’s really going on their way. Plus they have the talent.”

Aminado si Valdez na talagang bumagsak ang kanilang morale sanhi ng kabiguan, ngunit, gaya ng isang kawal na sugatan sa digmaan, wala aniya silang pagpipilian kundi ang bumangon at muling magpakatatag sa susunod na laban.

Para naman sa kampo ng Lady Warriors, kumpiyansa sina coach Romel Abella na makakamit nila ang panalo.

“Sa preparation namin these past few days, ‘yung fire na gusto kong makita sa kanila, lutang na lutang,” aniya.

Mauuna rito, tatangkain ng Balipure na maangkin ang ikatlong puwesto sa pakikipagtuos sa University of Santo Tomas sa Game 2 ng kanilang best-of-three series. (Marivic Awitan)