conor-mcgregor-copy

NEW YORK (AP) — Target ni Conor McGregor na makagawa ng kasaysayan sa pagbabalik ng UFC sa tinaguriang ‘The city that never sleeps’.

Kilala sa iba’t ibang gimik, kabilang ang panghahampas ng silyang bakal sa karibal sa press conference, higit na magiging tanyag si McGregor kung maisasakatuparan niya ang kampanya para maging kauna-unahang UFC fighter na hahawak ng dalawang titulo sa isang taon.

“It’s never even been close to a reality in this game, in the UFC,” pahayag ni McGregor. “And then to do it on such a monumental stage like this, of course, this will be one of my shining moments.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa gabi ng laban, isang senaryo na makikitang itataas ni McGregor ang dalawang titulo sa Madison Square Garden, ang venue sa kabiguan ng home team New York Rangers at New York Knicks sa world title.

Ang laban ni McGregor ang unang promotion ng UFC sa New York matapos ang dalawang taong ban na ipinataw ng lokal na pamahalaan.

Inalis na sa New York ang panuntunan na “no shirt, no shoes, no service” sign laban sa UFC. Makakaharap ni McGregor si UFC lightweight champion Eddie Alvarez sa main event ng UFC 205 ngayong gabi sa MSG.

Dedepensahan naman ni Joanna Jedrzejczyk ang women’s strawweight title kontra kay Karolina Kowalkiewicz, gayundin si UFC welterweight champ Tyron Woodley laban kay Stephen Thompson.

Nakapagbenta na ang StubHub ng US$700 ticket at inaasahang papalo sa US$30,000 ang pinakamahal na upuan sa ring side.