TARLAC CITY - Nasugatan sa iba’t ibang parte ng katawan ang isang kutsero at alaga nitong kabayo matapos silang ragasain ng isang Toyota Innova sa Tarlac-Victoria Road sa Barangay Tariji, Tarlac City, nitong Biyernes ng gabi.
Isinugod sa Tarlac Provincial Hospital si Jay-ar Madlangbayan, 30, binata, habang nasugatan din ang alaga niyang kabayo at patuloy pang inoobserbahan.
Sa imbestigasyon ni PO3 Jeffrey Alcantara, dakong 8:30 ng gabi nang mabundol ng Innova (NQR-539) na minamaneho ni Xiaojin Wang, 25, ng Bgy. San Rafael, ang kalesa ni Madlangbayan. (Leandro Alborote)