trump-obama-reuters-copy

LOS ANGELES (AP) — Hindi na nakapagtimpi si President-elect Donald Trump sa ikalawang araw ng protesta ng mamamayan laban sa kanyang hindi inaasahang pagkapanalo.

Nagaganap ang mga protesta mula Portland, Oregon, hanggang Chicago, hanggang New York at Californias, at iba pang estado sa United States.

Nitong Huwebes ng gabi, bumanat sa Twitter ang Republican. Tweet niya: “Just had a very open and successful presidential election. Now professional protesters, incited by the media, are protesting. Very unfair!”

Human-Interest

26-anyos na nabaon sa ₱2M na utang, nilalayuan na raw; netizens, relate-much

Gaya ng inaasahan, ang mga demonstrasyon ay nagbunsod ng social media blowback mula sa mga tagasuporta ni Trump na inaakusahan ang mga nagpoprotesta na sour grapes. Diin nila, hindi iginagalang ng mga nagra-rally ang democratic process.

WHITE HOUSE TOUR

Samantala, naging matagumpay ang pagbisita ni President-elect Donald Trump sa kabisera ng bansa nitong Huwebes ng umaga. Inabot ng 90 minuto ang pagpupulong nila sa White House ni President Barack Obama.

Sinabi ni Obama na nabuhayan siya sa ipinakitang kahandaan ni Trump na makatrabaho ang kanyang team sa panahon ng pagsasalin ng kapangyarihan. Tinawag naman ni Trump si Obama na “a very good man.”

“I very much look forward to dealing with the president in the future, including his counsel,” sabi ni Trump sa Oval Office. Uupo siya sa puwesto sa Enero 20.

Sa pagtatapos ng kanilang pulong ay sinalubong sila ng mga mamamahayag, ngumiti si Obama sa kanyang successor, at sinabing “We now are going to want to do everything we can to help you succeed because if you succeed the country succeeds.”