MAZAR-I-SHARIF, AFGHANISTAN (REUTERS) – Ibinangga ng mga militante ang isang sasakyan na puno ng pampasabog sa pader ng German consulate sa lungsod ng Mazar-i-Sharif sa hilaga ng Afghanistan noong Huwebes, na ikinamatay ng ilang sibilyan at ikinasugat ng marami pang iba.
Inako ng Taliban ang atake, na ayon sa kanila ay ganti sa NATO air strikes sa isang pamayanan sa hilagang lungsod ng Kunduz noong nakaraang linggo, na ikinamatay ng mahigit 30 katao.
Sinabi ni Sayed Kamal Sadat, police chief ng Balkh province na ilang sibilyan ang namatay at marami ang nasugatan sa nagliparang bubog mula sa pagsabog ngunit ligtas ang consular staff. Hindi pa malinaw kung ilan ang namatay.