Mga laro ngayon

(Mall of Asia Arena)

2 n.h. -- UST vs Ateneo

4 n.h. -- FEU vs La Salle

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Makabawi sa natamong kabiguan sa mga nakaraan laban ang kapwa tatangkain ng league leader La Salle at defending champion Far Eastern University sa muli nilang pagtutuos ngayong hapon sa pagpapatuloy ng UAAP Season 79 men’s basketball tournament sa MOA Arena sa Pasay City.

Matatandaang namantsahan ang dating malinis na baraha ng Green Archers nang putulin ng kanilang archrival Ateneo Blue Eagles ang kanilang 12- game winning streak.

Sa panig naman ng Tamaraws, sumadsad sila sa dalawang dikit na kabiguan makaraang tapusin naman ng Adamson ang kanilang 7- game winning run.

Sanhi ng nasabing kabiguan, pinakahuli sa kamay din ng Blue Eagles, magkasalo na ngayon sa second spot ang FEU at Ateneo hawak ang parehas na barahang 8-4.

Sa ngayon, bahagyang nakakaungos ang Blue Eagles dahil dalawang beses nitong tinalo ang Tamaraws.

Mahigpit na pinag- aagawan ng dalawang koponan ang huling twice-to-beat incentive. Tangan ang 12-1 karta, hawak na ng Archers ang No.1 slot sa Final Four.

Tatangkain ng Tamaraws na bumawi sa natamong 78-83 pagkatalo noong first round sa Green Archers na ginanap din sa MOA Arena noong Setyembre 7 upang makaiwas sa tatlong dikit na pagkatalo.

Ngun it, sa kabila ng kasiguraduhan sa twice-to-beat, tiyak na magpupursige ang Archers para mapatatag ang kumpiyansa.

Mauuna rito, iiwasan naman ng Ateneo ang pagkasilat laban sa sibak nang host University of Santo Tomas.

Sisikapin ng Blue Eagles na duplikahin ang 73-69 tagumpay sa first round sa kanilang laban sa 12:00 ng tanghali.

(Marivic Awitan)