Pinagbabaril matapos na pagsasaksakin hanggang sa tuluyang mapatay ng hindi pa nakikilalang suspek ang isang school principal sa Barangay Maligaya, Columbio, Sultan Kudarat, kahapon.

Sinabi ni Senior Insp. Teng Bakal, hepe ng Columbio Municipal Police, na pauwi na si Mutalib Salvo, OIC principal ng Sinapulan Elementary School, nang harangin ng suspek na sakay sa pulang motorsiklo sa Bgy. Maligaya.

Limang beses na sinaksak si Salvo at bago tumakas ang suspek ay pinagbabaril pa ang biktima.

Hindi pa alam ang motibo sa pagpatay. (Fer Taboy)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!