UMINGAN, Pangasinan – Sampung oras ang inaasahang brownout na mararanasan sa Isabela, Cagayan at Kalinga bukas, Nobyembre 10.

Ayon kay Lilibeth P. Gaydowen, North Luzon CorpComm & Public Affairs officer ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), 8:00 ng umaga magsisimula ang brownout bukas na tatagal hanggang 6:00 ng gabi.

Ito ay upang bigyang-daan ang integration at testing ng protection equipment na bahagi ng Santiago-Gamu-Tuguegarao 230kV transmission line, ayon sa NGCP. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Pulis, namaril ng sundalo sa Zamboanga City; love triangle daw?