Nailigtas ng pulisya ang 12 babaeng biktima ng illegal recruiter makaraang sumalakay ang pinagsanib na puwersa ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Region 13 at Regional Public Safety Battalion (RPSB)-13 sa Barangay Dagohoy, Butuan City, Agusan del Norte.

Kakasuhan ng human trafficking at illegal recruitment ang mga naarestong sina Jovelyn Melicor, 31, ng Magallanes, Agusan del Norte; Joevelyn Recilla, 36, taga-Carmen, Agusan del Norte; Ma. Carmen Sumando, 25, ng Pilar, Surigao del Norte; at Noli Ferrer, 29, residente ng Butuan City.

Dakong 11:00 ng umaga nitong Lunes nang isagawa ang raid, at nasa pangangalaga na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Caraga ang mga nailigtas. (Fer Taboy)

Probinsya

Truck na naghatid ng mga balota sa Bukidnon, nahulog sa bangin; isa patay!