angelica-lang_pls-crop-copy

MULING magkasama sa ikatlong pagkakataon sina Dingdong Dantes at Angelica Panganiban sa pelikula ng Star Cinema, nauna ang Segunda Mano (2011) kasama si Kris Aquino at ang One More Try (2012) kasama naman si Angel Locsin, sa The Unmarried Wife kasama si Paulo Avelino sa direksiyon ni Maryo J. delos Reyes.

Nagkakataon na puro asawa ang papel ni Angelica sa tatlong pelikula at lagi siyang binibigyan ng sakit ng ulo ni Dingdong dahil nangangaliwa.

Bagamat hindi pa naman ikinakasal si Angelica sa tunay na buhay ay nakaka-relate siya sa relasyon na may problema sa partner.

Mga Pagdiriwang

Ang mayamang tradisyong tatak ng 'Paskong Pinoy'

“’Yung relationship, very relatable na siya dahil hindi ko naman naitago ’yung mga naging karelasyon ko, open book naman na talagang nagkaroon ako ng boyfriends at heartaches, happiness, breakups, sadness, rainbows, unicorns,” nakangiting bungad ng dalaga. “Doon naman papasok ’yung lahat ng sakit na nangyari siyempre sa past, eh, nagamit ko naman.” May sampalan scene sina Dingdong at Angelica at aminado ang aktres na malakas ang pagkakasampal niya kaya humingi siya ng dispensa.

“Kasi dati, ’pag nakakakita ako (ng sampalan scene), sabi ko lang, ‘ay, ano ba ’yan?’ Ngayon, may chance ako na sampalin ’yung karakter ni Geoff (Dingdong), nasampal ko. Sabi ko, ‘sorry ha, hindi ko kasi na’labas dati’,” nakatawang kuwento ng aktres.

Nangangahulugan na hindi nasampal ni Angelica ang sinuman sa ex-boyfriends niya.

“Nu’ng una, siyempre, ta-try mong kausapin. Kasi sa pagkakakilala n’yo, mukha lang talaga akong mataray, pero ’pag nagmahal ako, ako ’yung mas maintindihin. Mas mahaba siguro ’yung pasensiya. Siguro kasi girl ako ’pag may karelasyon ako.

Babaeng-babae, kumbaga. “So, siyempre, ta-try mong kausapin, di ba? Eh, pero wala naman, ididenay lang talaga nang ididenay kahit nakita mo na, di ba? “Kaya nu’ng mga huli, tumahimik na lang ako.

Parang hindi ko na kinu-confront, hinintay ko na lang na mapagod ako,”pagtatapat ng aktres. Ang hugot line niya sa Unmarried Wife na, ‘Kapag inuulit-ulit ang panloloko ay hindi na ’yun pagkakamali kundi sakit na’ ay totoong nangyari sa kanya.

“Feeling ko. Kasi hindi ka natututo, eh. Saka bakit hindi mo nakikita ’yung worth ng taong mahal mo? Bakit kailangan laging may iba? Pero hindi naman ito ’yung tina-tackle namin sa pelikula,” pahayag ng dalaga, Hindi itinanggi ni Angelica na may pagkatanga siya pagdating sa pag-ibig.

“Yung katangahan, matatapos din ’yan. May hangganan ang pagmamahal. Walang forever, mars (mare)!” natawang sabi.

Wala raw forever na relasyon pero puwedeng magmahal ng forever sa taong hindi naman siya mahal. “P’wede ka namang magmahal na mahal mo lang kahit hindi ka mahal. Ikaw, mahal mo lang. So, forever ’yun, di ba? Forever mo siyang mahal. May forever. Mayroong pagmamahal nang wagas,” paliwanag nito. Natanong din si Angelica pagkatapos ng Q and A kung okay na sila ni John Lloyd Cruz na nakitang kasama uli niya sa isang dinner.

“Hindi, ang masasabi ko lang ay masaya ako ngayon and masaya siya, magkaibigan kami at alam nating lahat na halos imposible sa dalawang tao na nagkaroon ng relasyon na maging magkaibigan in the end. “But siguro, isa ’yun sa mga bagay na proud kami. Dahil kahit gaano kahirap, may struggle siyempre sa umpisa, kung paano ma-maintain ’yung friendship, pero gaya ng sabi natin, nagmahalan kayo dati, bakit naman kailangang mauwi sa away, di ba?” kuwento ng dalaga.

Si JLC ba ang gusto niyang lalaki hanggang ngayon, bukas at susunod na mga araw? “Ngayon, hindi ko siya masasagot.

Masyadong maaga or baka may mali akong masabi. So, mas magandang wala na lang akong sabihin about that,” rason ng dalaga. Anyway, sa Nobyembre 16 na mapapanood ang Unmarried Wife handog ng Star Cinema kasama rin sa pelikula si Paulo Avelino. (REGGEE BONOAN)