LIPA CITY, Batangas - Patay ang isang limang taong gulang na lalaki matapos umanong maurungan at maipit sa jeep na aksidenteng napaandar ng isa pang bata habang pinaglalaruan nila ang sasakyan sa Lipa City, Batangas.
Ayon sa report ni SPO2 Jonathan Llanilio, dakong 1:30 ng hapon nitong Sabado at naglalaro si Jayson King Castro, taga-Barangay Antipolo Del Sur, kasama ang iba pang bata sa loob ng nakaparadang jeep na pag-aari ni Rodel Maglinao, 42 anyos.
Napaglaruan umano ng isa sa mga bata ang kambiyo hanggang umatras ang sasakyan at dahil sa matinding takot ay tumalon si Castro mula sa jeep pero naurungan at naipit siya nito. (Lyka Manalo)