Patay ang isang barangay chairman makaraan siyang tambangan ng riding-in-tandem sa Barangay Poblacion, Aringay, La Union, nitong Sabado ng gabi.
Ayon sa pulisya, naglalakad si Edwin Bosto, 47, may asawa, chairman ng Bgy. San Simon West, Aringay, patungo sa barangay patrol nang biglang sumulpot ang mga hindi kilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo na walang plaka at pinagbabaril siya.
Hindi pa maliwanag ang motibo sa pagpatay kay Bosto. (Fer Taboy)