SAN MANUEL, Tarlac - Anim na katao ang isinugod sa Dr. Marcelo M. Chan Hospital sa Rosales, Pangasinan matapos magkabanggaan ang dalawang aluminum van sa highway ng Barangay San Vicente sa bayang ito, noong Sabado ng umaga.
Kinilala ni PO3 Gerald DC Prado ang mga nasugatan na sina Rudy Macasaquit, 54, driver ng Isuzu Forward van (UUG-163), ng Bgy. Rizal, Gerona, Tarlac; Jason Jose Caimol, 43, driver ng Asian Topia van (XDF-950), ng Bgy. Irisan, Baguio City; Rizalino Cabulinar, 23; Jerick Casio, 20, kapwa ng Puro Magsingal, Ilocos Sur; Carmina Tactay, 21, ng Sto. Domingo, Ilocos Sur; at Femina Aramilio, 53, ng San Vicente, Ilocos Sur. (Leandro Alborote)