Maaari nang magparehistro para sa May 13, 2019 national elections ang mga overseas Filipino voters sa susunod na buwan.

Batay sa Commission on Elections (Comelec) Resolution 10167, itinakda ng poll body ang voters registration para sa mga Pinoy sa ibayong dagat mula sa unang araw ng Disyembre, 2016 hanggang sa Setyembre 30, 2018.

“Applicants can secure their Overseas Form No. 1 (OVF 1) either at the Post, through the websites of the Commission, DFA, OFOV, or any Post, or file online using iRehistro facility,” pabatid ni Comelec Spokesperson James Jimenez.

“We encourage Filipino registrants abroad to file their applications online through the iRehistro facility at www.comelec.gov.ph. This alternative system of registration was a major contributor to the high registration turnout for overseas voting for the May 2016 elections,” dagdag niya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, muling magbubukas ang local voters registration para sa 2017 Barangay and Sangguniang Kabataan Elections sa Lunes, Nobyembre 7. (Mary Ann Santiago)