Tuloy ang kasiyahan sa barangay.

Matapos makamit ang unang kampeonato matapos ang walong taon, siniguro ng Barangay Ginebra management na mananatiling may ‘Spark’ ang Kings sa paglagda ng dalawang taong contract extention ni Mark Caguioa.

Tinaguriang ‘The Spark’, tatanggap umano ng P400,000 kada buwan ang premyadong shooting guard. Bukod kay Caguiao, balik din sa Ginebra sina power forward Joe Devance at Dave Marcelo.

Sa iba pang kaganapan, nagsumite kahapon ng trade proposal ang NLEX para makuha ang serbisyo ni dating San Sebastian College center Bradwyn Guinto na kasalukuyang nasa hanay ng Mahindra.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Batay sa nakasaad sa proposal, gustong makuha ng Road Warriors si Guinto at ang beteranong forward na si Chito Jaime kapalit ng kanilang 8th pick sa second round ng nakaraang draft na si Reden Celda at beteranong forward na si Jeckster Apinan.

Nais ni Ginebra coach Tim Cone na mapanatiling buo ang kanyang koponan matapos masungkit ang Governors Cup.

(Marivic Awitan)