TARLAC CITY - Isang binata ang nahaharap ngayon sa estafa matapos na hindi mabayaran ang mga inorder niyang alak at pulutan at nag-table pa ng tatlong GRO sa K-Lites Videoke Bar sa Barangay San Roque, Tarlac City, nitong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa report ni PO3 Paul Andrew Pabustan, nagtungo sa nabanggit na bar si Jerilou Valdoz, 40, ng Block 15, Bgy. San Pablo, Tarlac City at nag-order ng alak at pulutan at nag-table ng tatlong GRO.
Pagsapit ng 4:00 ng umaga ay sinabihan ng waiter na si Noel Villasista si Valdoz na magsasara na sila at siningil ito sa bill na umabot sa P7,481.00.
Nakiusap ang suspek na samahan siya ni Villasista sa ATM para makapag-withdraw hanggang napansin ng huli na invalid ang ATM card na dala ni Valdoz kaya idiniretso na niya ito sa himpilan ng pulisya at kinasuhan ng estafa.
(Leandro Alborote)