Ginapi ng Centro Escolar University-B Scorpions, sa pangunguna nina Allan Malubay, Mohd Sayed Ascano at Gabby Alvendia ang Adamson Soaring Falcons, 84-78, nitong Linggo sa 14th Fr. Martin Division 2 Cup basketball tournament sa St. Placid gym sa San Beda College-Manila campus sa Mendiola, Manila.

Hataw si Malubay sa natipang 26 puntos, habang kumana sina Sayed at Alvendia ng 12 puntos para sa Scorpions para patatagin ang kampanya sa quarterfinal round.

Naisalpak ni Malubay ang tatlong triples sa fourth period para patatagin ang Scorpions sa ikatlong panalo sa anim na laro sa Group A at kasosyo ng Arellano University.

Sigurado na sa quarterfinals sa Group A ang University of the Philippines Fighting Maroons, San Beda-B Red Lions, at Adamson Soaring Falcons.

Basketbolistang lumabag sa 'anti-drug program' ng NBA, suspendido ng 25 games, lugi rin ng ₱690M!

Sa Group B, umusad ang San Beda-A Red Lions, Letran-A, CEU-A at Far Eastern University.

Sa junior action, binalasa ng National University Bullpups ang Hope Christian School Stallions, 69-79, para masungkit ang semifinal slot tangan ang 6-1 marka.

Makakasama nila sa Group B ang San Beda-Rizal Red Cubs.

Nagwagi naman ang Letran Knights, sa pangunguna ni King Caralipio na kumana ng 36 puntos, kontra CEU-A, 80-77.