Matapos ibulgar ang nakuhang tulong pinansiyal mula sa International Olympic Committee (IOC), inilantad ni Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Ramon ‘El Presidente’ Fernandez ang P129.6 milyon na pondo na nakuha ng Philippine Olympic Committee (POC) mula sa pamahalaan simula noong 2010 hanggang 2016.

Ito ang dagdag na isiniwalat ni Fernandez matapos tukuyin ang malaking pondong nakuha ng mga opisyal ng POC mula sa IOC bago pa sumabak ang Team Philippines sa 2016 Olympic Games sa Rio De Janeiro, Brazil.

“They are claiming to be a private organization, eh! bakit gumagamit sila ng pondo ng gobyerno,” pahayag ni Fernandez.

Nais ni Fernandez na makausap ang Commission on Audit (CoA) hinggil sa pinaggamitan ng nadiskubreng P129.6 milyong pondo sa loob ng nakalipas na anim na taon.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Una nang inilabas ni Fernandez ang iniulat ng IOC ukol sa 2016 Olympic solidarity report na bawat isang NOC’s, kabilang ang POC, ay nakatanggap US$16,000 (P768,000) para sa gastusin sa pagpapadala ng mga atleta nitong makapagkukuwalipika sa Rio Olympics.

Bawat NOC president at secretary-general, partikular kay Peping Cojuangco at Steve Hontiveros, ay nabigyan ng hiwalay na US $10,000 para sa transportation at accommodation expenses habang bawat atleta ay may US$2,500.

Ang mga nagkuwalipika sa Rio Olympics ay sina Eric Shawn Cray, Mary Joy Tabal at Marestella Torres-Sunang sa athletics, Rogen Ladon at Charly Suarez sa boxing, Miguel Tabuena sa golf, Kodo Nakano sa judo, Jessie Khing Lacuna at Jasmine Alkhaldi sa swimming, Ian Lariba sa table tennis, Kirstie Elaine Alora sa taekwondo, Nestor Colonia at ang nag-uwi ng tanging medalyang pilak na si Hidilyn Diaz ng weightlifting.

Bawat isa ay tumanggap ng allowances mula sa pamahalaan na US$5,000 bukod pa sa gastusin sa uniporme at airfare.

Naglaan ang PSC, pinamumunuan noon ni Chairman Richie Garcia – kilalang kaibigan ni Cojuangco – ng kabuuang P30 milyon para sa Rio Games.

Bago pa ang nakuhang report ni Fernandez ay nakasaad sa 2015 Olympic solidarity report na bawat NOC ay makakakuha ng $85,000 o kabuuang P4-milyon mula sa IOC para sa kanilang aktibidad para sa pagpromote sa Olimpiada katulad ng Olympic Day Run. (Angie Oredo)