derrick-and-bea-4-copy-copy

NAALIW kami kay Bea Binene dahil hindi sinakyan ang mga sinabi ni Derrick Monasterio sa presscon ng Tsuperhero na kinikilig ito kapag nagti-text si Bea at may posibilidad na magkainlaban sila.

“Sinabi niya ‘yun? Ang text ko lang naman ‘ingat’ dahil katatapos naming mag-taping noon ng Tsuperhero. As a friend ang text kong ‘yun. Saka, nag-text din ako ng ‘good luck’ sa day ng concert nila ng Oh, Boy. Wala, friends at magka-love team lang kami talaga,” paliwanag ni Bea.

Ipinaalala ng press people na minsan nang nanligaw sa kanya si Derrick, na hindi naman itinanggi ni Bea pero binuking si Derrick na hindi niya ito sinagot dahil dalawa silang niligawan nito nang sabay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Single pa rin si Bea ngayon, ayaw munang magka-love life dahil ang priority niya ang bagong show nila ni Derrick na papalit sa Ismol Family. Gusto nila ni Derrick na maging successful ang airing nito para hindi sila mapahiya sa papalitan nilang show na mataas ang ratings at positive ang feedback.

Jeepney driver na nagiging superhero ang role ni Derrick bilang si Nonoy. Si Bea ay si Eva na isang barker. Sa direction ni LA Madridejos, sa November na ang airing ngTsuperhero, pero ayaw pang ipaalam ang exact date.

(Nitz Miralles)