Tatangkain ni dating Philippine minimumweight champion Crison Omayao na umiskor ng panalo sa kanyang unang laban sa South America sa pagsagupa kay dating WBO minimumweight titlist Francisco Rodriguez Jr. sa Oktubre 29 sa Gomez Palacio, Durango, Mexico.
Beterano si Omayao sa mga laban sa Thailand, China, Japan at Australia kung saan siya lumasap ng mga pagkatalo pero nangako siyang magwawagi laban kay Rodriguez para makapasok sa world ranking.
Malaki ang mawawala kay Rodriguez kung matatalo kay Omayao dahil nakalista siyang No. 4 sa IBF at WBO sa flyweight division at No. 11 sa WBC sa light flyweight division.
May rekord si Rodriguez na 19-4-1, tampok ang 12 knockout kabilang kay Pinoy boxer na inagawan niya ng WBO minimumweight title via 10th round TKO noong 2014 sa Nuevo Leon, Mexico samantalang may rekord si Omayao na 20-12-3.
(Gilbert Espeña)