manny-pacquiao-3_35-copy

LAS VEGAS (AP) — Bago magtungo sa Amerika, inilatag ni Senator Manny Pacquiao ang batas para sa pagbabalik ng parusang kamatayan.

Ngayon, nakatuon ang kanyang atensiyon na paghandaan ang tangka ni Mexican Jesse Vargas na kitlin ang boxing career ng tinaguriang People’s Champion.

Magtutuos ang dalawa sa Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Arena.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

"Working in the Senate is not easy while you're training," sambit ni Pacquiao.

"You manage your time and that's what I did in training for this fight."

Sa kabila ng gipit na oras sa Senado, nagawang magensayo ni Pacquiao sa Elorde Sports Center at sa kanyang pagdating dito, kaagad na isinaayos ni trainier Freddie Roach ang porma at kondisyon ng eight-division world champion.

Marami ang nagsasabing hindi kalidad ni Pacman si Vargas, ngunit ayaw magpasiguro ng kanyang kampo.

"You can say what you want about Pacquiao and Vargas," pahayag ni promoter Bob Arum.

"I think it's competitive, other people don't. That's their opinion."

Ipinahayag ni Pacquiao sa ginanap na conference call nitong Lunes (Martes sa Manila) ang pagbabago sa kanyang kaisipan matapos manalo bilang Senador, ngunit hindi aniya maipagpag ng kanyang katawan ang kagustuhan na sumabak sa boxing.

"I'm enjoying working hard in the Senate while performing my job as a boxer," sambit ni Pacquiao. "I'm enjoying both."

Tiwala naman si Roach na mananalo si Pacman na aniya’y tila bagitong boxer na gutom sa kampeonato.

"This is the best I've seen Manny in a long time," patotoo ni Roach.

"He's been a lot more aggressive. The old Manny Pacquiao is coming out."

Nagtatalo ang loob ni Pacquiao na magretiro nang matalo kay Floyd Mayweather Jr., sa itinuturing na pinakamalaking boxing fight sa kasaysayan. Ngunit, nagbalik siya at nagwagi kontra Tim Bradley nitong Abril.