MONTEVIDEO, Uruguay (AP) – Pumanaw si dating President Jorge Batlle noong Lunes sa edad na 88.

Sumailalim si Batlle sa operasyon upang mapigil ang pagdurugo sa kanyang utak matapos siyang himatayin at mabagok ang ulo sa isang pagtitipon ng Colorado Party.

Ngunit hindi lubusang gumaling ang dating pangulo, at nitong Lunes ng gabi ay inihayag ng Sanatorio Americano hospital ang kanyang pagpanaw.

Si Batlle, naging abogado, mamamahayag, senator at miyembro ng lower house of Congress, ay nagsilbing pangulo mula 2000-2005.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa