CAIRO (Reuters) – Kinumpirma ng isang Egyptian court ang sentensiyang 20-taong pagkakakulong kay dating Pangulong Mohamed Mursi nitong Sabado.
Ang parusa ay para sa kasong pagpatay ng daan-daang nagprotesta sa mga pag-aaklas noong 2012. Ito ang una sa apat na convictions kay Mursi na umabot na sa sukdulan ng judicial process at hindi na niya maaaring iapela.
Pinatawan din ng parehong parusa ang iba pang matataas na opisyal ng dating namumunong Muslim Brotherhood, kabilang na sina Mohamed el-Beltagy at Essam el-Erian, kaugnay sa pagdukot, pagpapahirap at pagpatay sa mga nagprotesta noong 2012.