Isang matandang lalaki na umano’y tulak ng ilegal na droga ang tinaniman ng bala sa ulo ng apat na lalaki, sa loob mismo ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala sa ulo ang ikinasawi ni Felix Martin, 68, basurero, ng Building 30, Temporary Housing, Tondo, Maynila.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng apat na suspek, inilarawang nakasuot ng itim na jacket at nakatakip ng panyo ang mga mukha, na mabilis nagsitakas lulan sa dalawang motorsiklo na ‘di naplakahan.

Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran, imbestigador ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 11:00 ng gabi nangyari ang pamamaril.

Eleksyon

EcoWaste Coalition, sa mga kandidatong nawawala pagkatapos ng eleksyon: ‘The least they can do is clean it up’

Ayon kay Eduardo Milado, kapitbahay ng biktima, papatulog na siya nang makarinig ng dalawang putok ng baril dahilan upang lumabas siya ng kanyang bahay at nakita ang apat na suspek na papalabas ng bahay ng biktima.

Kaagad umanong pinuntahan ni Milado ang bahay ng biktima at tuluyang nadiskubre ang bangkay nito.

Narekober mula sa biktima ang dalawang plastic sachet ng shabu.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Mary Ann Santiago)