Dinakip ng mga tauhan ng Police Regional Office (PRO)-9 ang isang 33-anyos na lalaki makaraang ireklamo ito ng panggagahasa sa sariling kapatid na dalaga sa Dumaliano, Zamboanga del Sur, iniulat kahapon.

Ayon sa imbestigasyon ng Dumaliano Municipal Police, lasing umano ang suspek na si Marlon Balate nang halayin ang 19-anyos niyang kapatid.

Batay sa pagsisiyasat, matapos malasing sa pakikipag-inuman sa isa pa nilang kapatid na lalaki ay ginising ni Balate ang biktima at nagpasama rito para hanapin ang kinakasama ng suspek na hindi pa nakakauwi, pero ginahasa ang biktima sa maisan. (Fer Taboy)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito