BUENOS AIRES (Reuters) – Libu-libo ang nagmartsa sa protesta ng Argentina laban sa karahasan sa kababaihan nitong Miyerkules matapos ang panggagahasa at pagkamatay ng isang 16-anyos na babae noong nakaraang linggo.

Ang grupong Not One Less ang nag-organisa sa mga protesta, na ginanap sa iba pang bansa sa Latin America. Galit sila sa pagkamatay ni Lucia Perez, na pinagamit ng cocaine bago ginahasa.

Dalawang lalaki na kilalang nagtutulak ng droga sa labas ng eskuwelahan ang inaresto sa Mar del Plata noong Linggo at kinasuhan ng rape at homicide.

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder