Libre para makasama sa PBA Rookie Draft ang 12 sa 24 na miyembro ng Gilas Cadet, ayon sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP).

Hindi pa naisusumite ng SBP ang listahan sa pro league, subalit iginiit nang nagbabalik coach ng Gilas Pilipinas na si Chot Reyes na sasama sa drafting ang mga pamosong rookie player.

Nakatakda ang drafting sa Oktubre 30.

Nagdesisyon ang PBA na palawigin ang deadline ng pagsumite ng paglahok sa drafting ngayon mula sa dating petsa na Oktubre 14.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Most likely sila rin, but we haven’t given a final list to the PBA,” sambit ni Gilas manager Butch Antonio.

Kasama ang mga miyembro ng Gilas Cadet sa isinagawang pagpupulong ng SBP nitong Martes kung saan pormal na ipinahayag ang pagbabalik ni Reyes para pangasiwaan ang kampanya ng Gilas sa international tournament.

Kabilang sa inaabangan sa drafting sina Jio Jalalon, Carl Bryang Cruz, Ed Daquioag, Kevin Ferrer, Matthew Wright, Von Pessumal, Russel Escoto, Arnold Van Opstal, Almond Vosotros, Roger Pogoy, Mike Tolomia, at Mac Belo.