WALA pa ring katapat ang FEU-Nicanor Reyes Medical Foundation.

Naisalansan ng FEU-NRMF ang ikaapat na sunod na panalo ng pabagsakin ang defending champion Macway Travel Club, 72-65, kamakailan sa MBL Open basketball tournament sa Trinity University of Asia gym sa Quezon City.

Nagpasiklab sina Fil-Canadian sensation Clay Crellin, Egay Billones at Rene Boy Banzali upang pangunahan ang FEU-NRMF sa isang makapigil-hiningang sagupaan sa tila preview ng darating na title showdown.

Ang 6-4 forward na si Crellin na naglaro sa Vancouver Balloholics sa Canada, ay umiskor ng 13 puntos kabilang ang back-to-back three-point sa third quarter.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Nag-ambag sina Billones at Banzali ng tig-10 puntos para patatagin ang katayuan ng FEU sa torneo na itinataguyod ng Smart Sports, Ironcon Builders, Star Bread, Dickies Underwear at Gerry’s Grill.

Nanguna si Jeff Sanders sa Macway sa natipang 15 puntos, habang nag-ambag si dating PBA player Nino Marquez ng 14 puntos.

Sa unang laro, naungusan ng Emilio Aguinaldo College ang Philippine Air Force, 74-70.

Iskor:

(Unang laro)

EAC (74) - Bautista 16, Diego 14, J. Mendoza 14, Bugarin 9, Gonzales 4, Aguas 4, Gano 4, N. Mendoza 2, Altiche 2, Aderes 2, Estacio 2, Martin 1, Cayabo 0, Umali 0.

Air Force (70) -- Tano 15, Rebollos 10, Diwa 9, Regalado 8, Lumongsod 7, Morales 6, Cordero 6, Valdevilla 5, Malig-on 2, Almerol 2, Amparo 0, Cuasa 0, Pinto 0.

Quarterscores: 13-15, 33-32, 51-58, 74-70.

(Ikalawang laro)

FEU-NRMF (72) -- Crellin 13, Billones 10, Banzali 10, Cabrera 9, Manalo 9, Arafat 8, Zamora 7, Asoro 4, Gabayni 2, Raymundo 0, Camacho 0.

Macway (65) -- Sanders 15, Harry 14, Marquez 14, Santiago 6, Natividad 5, Custodio 4, Rodriguez 4, Feihl 2, Brown 1, Dedicatoria 0, Sta. Cruz 0, Mangaran 0, Laude 0.

Quarterscores:

18-19, 38-38, 62-56, 72-65