Mahigpit ang kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Philippine Coast Guard (PCG).
“Kapag lawlessness at sea, kapag lumaban, i-subdue kung kailangan. Kung kailangan at kung may capability na palubugin, palubugin.” Ito umano ang tagubilin ng Pangulo sa PCG, ayon kay spokesman Commander Armand Balilo.
Ang kautusan ng Pangulo ay inihayag nito sa 115th anniversary celebration ng PCG.
Kabilang sa ‘palulubugin’ sa dagat ang grupo ng kriminal na sangkot sa piracy, seajacking, poaching, drugs at arms smuggling, at terrorism. (Argyll Cyrus B. Geducos)