BANI, Pangasinan - Pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga armadong sakay sa puting van ang kagawad ng Barangay Ambabaay sa bayang ito.

Ayon sa report ng Bani Police kahapon, kinilala ang biktimang si Ryan Jay Cabacungan, 36, may asawa, kagawad ng Bgy. Ambabaay, Bani.

Batay sa report, nakikipag-inuman ang biktima kina Raul Cabacungan at Mark Niel Ignacio sa bahay ng isa sa mga ito nang sumulpot ang puting van at bumaba ang armadong suspek at pinagbabaril ang kagawad, nitong Biyernes ng gabi.

Hindi na umabot nang buhay sa ospital ang kagawad, na tinukoy na high-value target sa drug watchlist ng pulisya. (Liezle Basa Iñigo)
Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder