USAPANG 20th APHCA Hair Olympics pa rin ngayong linggo at magbibigay ng mga payo sa pagpapaganda ang ilan sa beauty icons kung paano maging winner sa competition.

 

Ang Ms. Earth 2016 contestants na si Ness Astilla at si Frederick Peralta, magbabahagi ng kanilang mga payo kung paano mangingibaba ang mga kasali sa bonggang hair Olympics sa darating na October 26.

 

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, sa “Gandang Challenge” naman ay may dalawang magpapagalingan at mag-uunahan sa paggawa ng sariling likhang costume sa halagang P1000. Pagkakasyahin nila ang halagang ito at sa loob ng kalahating oras lamang ay tapos na dapat ang kanilang obra.

 

Tuturuan naman ng mga mentor na sina Stephanie Ilagan at Peping de Guzman ang kanilang mga protégée ng tamang pagmake-up, paggupit at pag-ayos ng mga buhok para handa sila sa kanilang pagsabak sa kompetisyon.

 

Kaabang-abang naman ibibigay na advices at kasagutan sa mga katanungan sa host at beauty master na si Ricky Reyes.

 

Samantala, sa mga may problema sa dull at buhok na kinky, abangan ang kasagutan sa programa kung paano magiging bouncy at malambot ang dull hair ninyo. Para sa kalusugan, abangan ang herbalist na si Fely Guy Ong ng FGO Foundation.

 

Mapapanood ang lahat ng ito sa Gandang Ricky Reyes Todo na Toh ngayong Sabado (October 15) 9-10 AM sa GMA News TV.