vic-at-pauleen-copy

SI Pauleen Luna, ang kanyang eposa, ang mabilis na isinagot ni Bossing Vic Sotto nang tanungin kung bakit niya tinanggap ang pagiging brand ambassador and new celebrity endorser ng Chooks To Go.

Kuwento ni Bossing Vic sa launch sa kanya as new endorser ng produkto sa Isla Ballroom ng EDSA Shangri-La last Wednesday, hindi pa raw niya girlfriend si Pauleen noon, pinadalhan na siya nito ng Chooks To Go at sinabing tikman niya ito dahil masarap kahit walang sauce at healthy food pa.

“Kaya nang i-offer sa akin na maging endorser, hindi na sila nagdalawang-salita,” sabi pa ni Vic. “Hindi kasi ako nag-i-endorse na hindi ko ginagamit o hindi ko maipagmamalaki. Hindi rin ako nagdalawang-isip dahil mas excited sa akin si Misis nang malaman niyang ako ang kinukuhang endorser.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Kaya ngayon, part na ng aming menu ang Chooks To Go dahil madaling ihanda. Kaya para rin sa mga misis, lalo na iyong mga working moms, hindi nila problema kung wala siyang nakahandang ulam ng pamilya. Dadaan lang siya sa Chooks To Go store, hindi ka na mag-iisip kung ano ang ulam na iuuwi mo sa bahay.”

Sabi ng mga kasamahan naming reporters, dapat daw yata ay kasama si Pauleen sa kanyang contract as endorser, kasi ito pala ang dahilan ng pagtanggap niya sa endorsement.

Ayon naman kay Mr. Ronald Ricaforte Mascarinas, presidente ng Bounty Agro Ventures, Inc. na siyang nag-o-operate ng produkto, hindi sila nahirapang maghanap ng bagong endorser. Sa mga misis na tinanong nila, iisa ang sagot, iyon daw mabenta sa mga nanay, dapat pogi, at iyon ay si Vic Sotto.

Ini-launch na rin nang gabing iyon ang TV commercial ng Chooks To Go.

Na-ambush interview na lamang si Bossing Vic ng entertainment press after the launch at natanong naman siya tungkol sa entry niya sa coming Metro Manila Film Festival sa December, ang Enteng Kabisote 10: The Abangers. Pero ayaw pa niyang magbigay ng details.

“Abangan na lang ninyo, kung sakaling makapasa kami sa screening committee ng festival. Basta pito iyong mga abangers. At yes, may special participation ang AlDub, sina Alden Richards at Maine Mendoza, sa movie. Natapos na kaming mag-shooting sa Bohol. Tinatapos na namin ang post production dahil isa-submit na ito sa October 31.”

(NORA CALDERON)