BINALONAN, Pangasinan - Makararanas ng 14 na oras na brownout ang siyam na bayan sa Pangasinan ngayong Huwebes (Oktubre 13) at sa Sabado (Oktubre 15), ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Ayon kay Melma C. Batario, regional communications and public affairs officer, mawawalan ng kuryente ngayong Huwebes ang mga sineserbisyuhan ng PANELCO 3 sa Mapandan, Binalonan, San Manuel, Pozorrubio, Laoac, Urdaneta, Villasis, Manaoag at Asingan, simula 1:00 ng umaga hanggang 4:00 ng umaga ng Biyernes.

Apektado rin ang CENPELCO-Guilig substation at DECORP-San Jacinto substation ng brownout na magbibigay-daan sa black start test ng Pantabangan hydroelectric power plant.

Simula 7:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi ng Sabado naman mawawalan ng kuryente sa mga sineserbisyuhan ng CENPELCO-Guilig, PANELCO III-Binalonan Old at New at Urdaneta Old, at DECORP-San Jacinto. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

72-anyos, pinalo ng dumbbell sa ulo ng kaniyang misis na may mental disorder