111016_delima_case_01_vicoy_for-page-2

Sa kauna-unahang pagkakataon, susubukan ni Senator Leila de Lima na ireklamo sa Supreme Court (SC) ang isang sitting president na may ‘immunity from suit.’

Ayon kay De Lima, magsasampa siya ng petisyon para sa ‘writ of amparo’ at ‘habeas corpus’ sa SC laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“Si Pangulong Duterte po, kakasuhan ko din po. I’m going to file a test case na may mga pagkakataon po na hindi pwedeng i-invoke ang presidential immunity from suit,” ayon kay De Lima.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Ang ‘writ of amparo’ ay paraan ng sinuman na ang karapatan, buhay, kalayaan at seguridad ay nalalabag. Samantala ang ‘habeas corpus’ ay ginagamit para dalhin sa korte ang sinuman para i-review ang legalidad ng kanyang pagkakaaresto at pagkakakulong.

Sinabi ni De Lima na ito ang unang pagkakataon na kakasuhan ang isang pangulo, dahil na rin sa lantarang pang-aabuso.

“I don’t think na ‘yung nakaisip ng doktrina na ‘yan could have ever comprehended a situation like this where there is blatant abuse of power,” ayon kay De Lima.

Tiniyak ni De Lima na handa niyang harapin ang asuntong isinampa laban sa kanya sa Department of Justice (DoJ), na ayon sa Senadora ay dapat na isinampa sa tanggapan ng Ombudsman. (Leonel M. Abasola)