Masusing iniimbestigahan ng Pasay City Police ang motibo sa pamamaril sa isang lalaki ng dalawang armado na sakay sa motorsiklo sa Pasay City, nitong Lunes ng gabi.

Anim na tama ng bala sa ulo at katawan ang sanhi ng agarang pagkamatay ni Romeo Joel Fontanilla y Torres, alyas “Tigas”, 37, laborer, ng Saint Joan Street, Barangay 186, Zone 19, Maricaban, Pasay City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong 11:49 ng gabi nangyari ang pamamaril sa Saint Mary Street, Maricaban, kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan.

Naglalakad umano ang biktima sa nasabing lugar upang sunduin ang kinakasamang si Shoulyen Lopez nang dumating ang riding-in-tandem at malapitang pinagbabaril ang una hanggang sa siya’y mamatay.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Napag-alaman na noong Hulyo 21 ay sumuko na ang biktima sa ‘Oplan Tokhang’. (Bella Gamotea)