Sa ikalawang sunod na exhibition match, luhaan ang loyal fans ng Philippine football team Azkals.

Matamlay ang simula ng Azkals at bigong mapigilan ang ratsada ng bisitang North Korean para maisuko ang 1-3 kabiguan Lunes ng gabi sa Rizal Memorial football pitch.

Nitong Biyernes, yumukod ang Azkals sa Bahrain, 3-1.

Taliwas sa mga nakalipas na laban ng Azkals, mangilan-gilan na lamang ang nanood sa bench at sa pagbuhos ng ulan, kasabay na nilamon ng world-class green turf ang pangarap na tagumpay sa sports na pinakamalapit sa katotohanan na magbibigay ng glorya sa Pinoy sports fans.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nakaiskor ng goal si Iain Ramsay, ngunit wala na itong timbang matapos makaiskor ng tatlong sunod ang NoKor sa kaagahan ng laban. Nabigo ang Azkals na makaulit sa North Koreans na natalo nila, 3-2, sa World Cup qualifier nitong Marso.