CAPAS, Tarlac - Isang babae at isang lalaki na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan ng mga pulis sa Patling-Bueno Road sa Barangay O’Donnell sa bayang ito, nitong Linggo ng umaga.

Sa report ni PO3 Arthur Alzadon, naging marahas ang pagpatay kina Jennifer Castillo, 25, ng Bgy. Dapdap, Mabalacat City, Pampanga; at Jinky Diaz, 41, may asawa, ng Bgy. Cristo Rey, Capas, Tarlac, na kapwa binalutan ng packaging tape ang ulo at iginapos.

Nakasabit din sa likod ng lalaking biktima ang karatulang nasusulatan ng “Huwag n’yo kaming tularan, mga tulak kami.”

(Leandro Alborote)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog